4 More apartment units in Laguna!

4 more apartment units in Laguna  Habang malakas ka kumita, magpundar ka na, kasi darating talaga panahon na magkakasakit tayo. If we dodge a bullet, accident or any life-threatening illness,…

4 more apartment units in Laguna 

Habang malakas ka kumita, magpundar ka na, kasi darating talaga panahon na magkakasakit tayo. If we dodge a bullet, accident or any life-threatening illness, we may be blessed to live a long life and we need assets to pay for our expenses. 

Naadik ako sa personal finance at trading during college when I had to earn extra to pay for school projects. Hindi kami mayaman at laging kinakapos kaya naiintindihan ko ‘yung buhay na kanin at 1 “kalahating” gulay lang sa carinderia. Nung high school nagtututor nako sa Math at nung grade school nakakabenta ng kisses at stationeries. College nagsink in sakin na kailangan pa kumayod. 

Lahat ng libreng personal finance events, books sa library, pumupunta ako o binabasa ko. 

Hindi ako tamad. Hindi ako palaasa sa ibang tao. In fact, konti lang ang sources ng finlit dati unlike ngayon na sa mobile apps pa lang may crypto na. 

Nung $800 ang bitcoin tinetrade ko na, dyan na rin ako nagsimula mag-imbak, mag-airdrop, mag-ICO, etc. Galing ako sa PSE, hindi ko naman iniwan pero nag-iba lang diskarte nung mas convenient for me global markets to trade forex, commodities and indices. Mas gamay ko kumbaga since may background naman ako sa International Finance. 

Kapag kumikita ako ng pera sa trading, nilalabas ko, binibili ko ng properties. Matalo man ako o manalo sa susunod na trading cycles, may naipundar na akong assets. Nilalagay ko sa global funds sa iba’t ibang bansa, MP2 paminsan, at nakapagsosyo rin sa mga negosyo. Out of 5 restaurants, dalawa nagsara at 3 ay kumikita na ulit after pandemic. May mga bus din na tumatakbo at baka nasakyan niyo na rin pero hindi ko lang pinopromote na sa page ko. 

I walk the talk at hindi ako plastik sa social media. Ito ang journey ko, iba ang sa’yo. May diskarte ka, may diskarte ako. 

Proud akong mahirap na todo pursigi pa rin bilang kiti-kiti naman ako at punung-puno ng energy sa buhay. I’m in my 30’s but I feel like I’m just in my 20’s. 

Trading, investing and personal finance makes me feel so young, I feel like a fresh grad stepping out of the university called life to learn again. 

Kung nababasa mo ito at sa ngayon parang walang direction buhay mo, that’s totally fine because everyone started that way too. What’s important is you take baby steps. 

Isa munang bahay. 

Isa munang Pag-ibig MP2 account. 

Isa munang trading account. 

Isa munang digital bank account. 

Baby steps go a long way. 

Hindi ko namalayan, may 40+ nakong bahay. 

May the God of Abundance bless us always and our next generations to come.

Original article posted 24 March 2024

Sign up for my upcoming Satori Trading Masterclass to learn more how to trade global markets. You’ll get 8 trading books/journals/workbooks, 10 courses in 3 months, All Satori Learning Modules from Newbie Trader Roadmap to Trader Roadmap Full Course Levels 1-5 and exclusive Discord group. This is for those serious learners only. Check this link to find out more.

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *